Kilig -- isa sa mga pinakamasarap na pakiramdam
Marahil hindi lang ako ang magsasabi nito... ang kilig ay isa sa mga pinakamasarap na maramdaman sa mundong ito. Minsan mukha ka nang tanga, kasi napaka-babaw lang naman pero tuwang-tuwa ka na. Hindi ito mawala sa isip mo. Maya't-maya, sa gitna ng kawalan, lalabas ang ngiti sa iyong mukha. At ang iyong mata, walang kasing ganda ang pag-ningning.
Ang saya-saya ng mga "kilig moments." Sa iyong utak, tandang-tanda mo pa bawat sigundo, bawat pangyayari. Na para bang pwede kang gumawa ng tele-nobela sa sobrang bagal ng kwento. Pero para sa iyo, sariwang-sariwa pa.. ang kanyang ngiti, ang kanyang boses, ang kanyang tingin. Nakanampuch! Wala ka talagang magawa kundi ulit-ulitin sa utak mo ang lahat ng ito.
Ang saya-saya ng mga "kilig moments." Sa iyong utak, tandang-tanda mo pa bawat sigundo, bawat pangyayari. Na para bang pwede kang gumawa ng tele-nobela sa sobrang bagal ng kwento. Pero para sa iyo, sariwang-sariwa pa.. ang kanyang ngiti, ang kanyang boses, ang kanyang tingin. Nakanampuch! Wala ka talagang magawa kundi ulit-ulitin sa utak mo ang lahat ng ito.
Mukha ka nang gago. Hindi lang tanga. Ang buhok mo abot sa Japan. Para kang nakalutang sa mga ulap. Ang gaan-gaan ng feeling! Ayan na sige, haplusin ang buhok mong tila pang-commercial. Okay flip your hair... to the left... to the left. Bwahaha!
Mukha ka nang kuneho. Hindi sa dahil talon ka nang talon. Hmmm... Pero pwede rin pala. =P Parang lahat ng singhutin mo mabango. Hyper mode ito! Bigay todo sa kahit na ano. Walang sense yung kuneho. Weird. Gusto ko lang dugtungan para may parallelism naman sa first line ng naunang paragraph. Haha.
Hay... puro buntong hininga. Ang utak naglalakbay sa ere. Ang sarap pumikit. Kung pwede lang i-record mo na yung nasa utak mo tapos i-loop mo nalang para yun at yun nalang. Hindi mo na kailangang isipin ulit kung ano ang nangyari. Ahahay!
Mukha ka nang baliw. Hindi lang siguro mukha. Baka nga maging lokaret ka na. Ang kulit mo! Wish mo lang talaga maulit ang mga yun. Bakit sa mga panahong yun, para bang humihinto ang lahat. At kung gaano katagal dumampi ang kanyang mga kamay sa iyong balikat, eh up to the millisecond kaya mo yatang i-specify. At sa sobrang shock mo, tipong nabibingi ka na. "Ano ulit ka'mo?" Shyet nakakahiya. Kulang nalang siguro himatayin ka sa harap niya. Pero my gosh! Pagkatapos ng lahat, parang gusto mong magtatalon. But no. You have to keep your composure. Ahahay. Hindi ka na makapaghintay na sabihin sa iyong matalik na kaibigan. Na para bang magugunaw ang mundo kapag hindi mo ito nailabas. Kailangan talagang may makaalam. Kailangan ko lang talaga ilabas. Sabagay, masakit nga naman daw sa puson kapag pinigil, diba? Haha!
Naalala mo pa ba kung kailan ka huling kinilig? Nararamdaman mo pa ba to? Ako? Ang tagal na panahon akong hindi nakaramdam nito. Siguro aabutin ng taon. At nung dumating... Ay parang pwede na kong maglupasay sa kalye. Ang saya. Sana maulit. Sana hindi lang hanggang dun. Kahit mukha na kong baliw... sige lang. Ang sarap eh. =P
<< Home